ang bayan ko't tanging ikaw, pilipinas kong mahal
ang puso ko at buhay ma'y sa iyo ibibigay
tungkulin kong gagampanan ang lagi kang paglingkuran
ang laya mo'y babantayan, pilipinas kong hirang
pamilyar? aba syempre! isa ito sa mga paborito kong kanta (awitin ang ibang bahagi), isama mo na ang "pambansang awit", and "tayo na sa antipolo", ang "atikupung singsing" at "dandansoy"...
mga higala, maayong adlaw kaninyong tanan. mga kaibigan, magandang araw sa inyong lahat. ang pagkahiwahiwalay ng ating mga pulo ay aaring isipin na dahilan ng pagkarami-raming dialekto o wikang lokal sa ating bansa, subalit, sa awa ng poong maykapal ay di naman siguro dahilan ng pagkawatak watak nating mamamayan. ibang usapan na yan amiga (sabay ngiti).
ang sabi ng iba mahihirapan raw tayong matuto kapag marami at sari-sari ang wikang naririnig, idagdag mo pa ang wikang ingles na pilit ipinapasaulo sa atin...ano ang pangalan mo? what is your name?
saan ka nakatira? where do you live? kamusta ka na? how are you? tagalog-ingles pa lang yan. gawin mo kaya sa tagalog-ingles-cebuano ano ang pangalan mo? what is your name? unsa imo ngalan? saan ka nakatira? where do you live? asa ka nagpuyo? kamusta ka na? how are you? kumusta na ka?
nakakalito man, maganda namang pakinggan...
papayagan ba natin na ang bagay na ito ang maging hadlang sa ating pagiging isa, o gagawin natin itong
tulay tungo sa pag-unlad? sa una, ang tanong ay 'bakit?' 'nga-a' sa ilonggo, 'ngano' sa leytenyo. sa
pangalawa, ang tanong ay 'papano?' 'unsaon?'. gaya ng pagkakaisa ng mga bansa sa iisang mundo, posibleng magkaisa ang mamamayan ng iisang bansa kahit pa daan-daang wika ang gamitin.
kung ikaw ay maliit, natural na mag alangan ka sa pakikipaglaban. Oy! sa katawan pa lang, parang wala nang panalo ang david sa goliath, ang langgam sa malaking paa...ano ang pwedeng ipanglaban? isip ka nga...aha! bilis ng kilos. talas ng isip. paghahasa ng natatagong galing. ito ang sinasabi nilang gamitin ang kahinaan bilang kalakasan.
maraming tula at talumpati na ang ating narinig tungkol sa pagmamahal sa ating wika pero iilan lang ang nagpahayag ng tunay na damdamin ukol dito. ang wika kapag nahinog at nagamit ng maayos ay magiging daan sa pag-unlad...at ang kaunlaran na lamang ang magiging daan sa pagkakaisa. may di sasang-ayon malamang, maige yan! sapangkat di kalaunan, ang tali-taliwas na opinyon ay pamumugaran ng ideyang kagandahan.
ang sabi ni rizal, ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay masangsang pa ang amoy sa isda. sagot naman ng isang kaibigan ko "it's not naman na i don't love our language noh, it's just that... parang..... ewww!hindi ko talaga feel!" . ako'y napag-isip, ano kaya ang ibig sabihin nito? mas ramdam
nya ang ingles?kung sabagay, wala namang problema yun...kaya alam mo, anong sabi ko sa kanya? "Prend, hindi mo talaga feel? ang kapal naman ng mukha mo, akala mo sino kang magaling, ni hindi nga tama yang ingles mo, ang masaklap pa pati tagalog mo eh bali-baliko!"
di sya agad umimik, marahil ay nagulat sa aking nasabi, tipok iiyak at di makapaniwalang narinig ang mga katagang yun mula sa akin na kaibigan at kababata nya pa. bago papumatak ang kanyang luha, hinawakan ko ang kanyangkamay, pasimpleng ngumiti, sabay sabi "ano amiga, feel mo na?" (tawa)
sa mga aklat na nailimbag, sa mga awiting nalikha, mga tula at talumpati, lalabas at lalabas ang iba't ibang paniniwala,iba't ibang layunin, iba't ibang paninindigan. isalin mo man sa iba't ibang wika o
lokal na dialekto- iisa ang mensahe na nais na ipaabot: tayo ay mamamayan ng isang bansang bagamat
tanggap na hilaw pa ang turing sa wika ay napakayaman sa pag-ibig - sa kapwa, sa dyos at sa bayan. pag-ibig na walang wika ang kayang tumapat. isalang man nila ang ibang wika , wala nang tatamis pa sa ating wikang pambansa, ang wikang pag-ibig- wikang hitik sa damdamin at pag-asa. maniwala ka! tuuhi ko! pamati balah sa akon!
sabayan nyo ako sa aking paglalakbay ha? maraming salamat at magandang araw sa ating lahat.